Sa ngayon ay nakabinbin sa Mababang Kapulungan ng Pilipinas ang kontrobersyal na House Bill Number 5043 o yung tinatawag ng Reproductive Health Bill. Ayon sa ilang kongresista, ito narawang solusyon sa lumalalang problema ng bansa lalo na sa pagtaas ng populasyon. Sa kabilang banda , maraming mga sektor lalo na ng Simbahang Katolika na tutol dito dahil labag ito sa moralidad at isang malaking kasalanan sa Diyos. Isa pa dito, ito ay labag sa konstitusyon ng bansa kung saan kinikilala ang buhay ng isang Pilipino mula pa lang sa paglilihi ng ina.

Ikaw…sambayanang Batangueño, ano ba ga ang masasabi mo sa panukalang House Bill number 5043 na nakabinbin sa mababang kapulungan? sang ayon ka ba ga na ipasa ang RH Bill 5043 o tutol ka rine?